Jump to content

User:Juliuscelis2010

From Wikipedia, the free encyclopedia
   Ang kumakalaban sa Iglesya Katolika Apostolika Romana ay mga Anti-Cristo, mga taong biktima ng mga bulaang propeta, at bulaang guro na pawang  kampon ng  Di yablo.
        Alam naman natin sa kasaysayan ng Daigdig, at sa ating bayang Pilipinas na ang simbahang katolika lamang  ang unang relihiyong Kristiyano, ang tunay at lehitimong iglesyang itinayo ni Cristo mula pa noon hanggang ngayon. Ang samahan ng pananampalatayang ito ay pinagtibay ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, ng ibigay niya ang karapatan kay apostol Pedro, ng sila ay mag usap doon sa lupain ng Ceasaria ng Filipos (Mateo 16:13) “Na sa batong ito itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya ang kapangyarihan ng kamatayan(Mateo 16:18). At sinabi pa niya kay Pedro “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit, ang ipagbawal mo sa Lupa ay ipagbabawal sa Langit, at ang ipahintulot mo sa Lupa ay ipahihintulot sa Langit” (Mateo 16:19). At ipinagkatiwala ng Panginoong Jesus kay Pedro ang pangangalaga sa kanyang kawan (Juan 21:15-17). Na ang ibig sabihin ay ang kanyang iglesya. Sa usaping ito hindi nag-iisa si Pedro,marami siyang kasama at marami pa silang nahikayat maging Judio, o Griego para sa ikaliligtas ng bawat sasampalataya kay Cristo (Gawa 2:36-41). At silang lahat ay naki-isa sa pagpapa-laganap ng Mabuting Balita na iniutos sa mga Apostol (Mateo 28:18-20). Hindi lang iyan gumawa pa ng isang himala ang Panginoon ng ang isang taong matindi ang pag-uusig sa kanyang iglesya ay binago niya upang makatulong sa ika-uunlad ng pananampalataya sa katauhan ni apostol Pablo (Gawa 9:1-19). Si Pablo nga ay naging kasama-sama ng mga alagad at siya ay nangangaral na, at nagpapatotoo tungkol sa nalalapit na paghahari ng ating Panginoong Jesus. Ang mga alagad ng Panginoon ay naging matatag sa kanilang pananampalataya at hindi nagpagapi sa takot ng  kapahamakan, dulot ng pag-uusig ng mga taong walang paniniwala sa ating Panginoong Jesus. Mabagsik at malupit ang mga taong naghahari noon sa Emperyo Romano, si Emperador Claudio ang una (Gawa 18:2) at ang sumunod ay si Emperador Nero, na nagpapatay sa mga tagasunod ni Cristo. Si Pedro ay pumunta sa Roma upang patatagin ang pananampalataya ng mga hinirang ngunit siya ay ipinapatay ng pamunuan ng Emperyo, at siya ay hinatulang ipako sa krus ng pabaliktad. Maraming pag-uusig at pagpapahirap ang dinanas ng mga banal, ngunit di sila nawalan ng pag-asa at pananalig sa ating Panginoong Jesus. At dumating ang panahon na ang Panginoon na ang kumilos, ang dating mabagsik at walang kinikilalang Diyos na Emperyo ay nagbago at tinanggap ang pananampalatayang Kristiyanismo, sa katauhan ni Emperor Constantine. Kanilang idiniklara sa lahat, sa buong nasasakupan ng emperyo Romano na ang relihiyong Kristiyano ang opisyal na relihiyon ng buong emperyo. At iyan ang simbahang katolika na laganap sa buong daigdig, nag-simula sa ating Panginoong Jesus, sa Jerusalem ang mga alagad at mga tagasunod ay nagdanas ng pagsubok, hirap at pagmamalupit sa kamay ni Satanas. Ngunit sa patnubay ng Ispiritu-Santo na ipinagkaloob ng Panginoong Jesus, ang lahat ay nalampasan at napagtagumpayan. Ang kanyang iglesya ay lumaganap sa buong daigdig. Ngunit ngayon dumating na ang panibagong yugto ng pagsubok sa ating pananampalataya, at sa ating iglesya. At natutupad na ang mga ipinahayag na babala ng ating Panginoong Jesus, at ng mga apostol, tungkol sa mga dumating at mga parating pa na mga bulaang propeta at mga bulaang guro. Una rito ang isang taong nakausap daw niya ang Diyos sa gitna ng disyerto ng Arabia, at siya raw ang sinugo ng Diyos, at tagapagtaguyod ng kalooban ng Diyos. Ang kumontra ay dapat patayin sa tabak, at marami siyang napaniwala, at napasunod. At marami rin siyang pinatay na Kristiyano sa Alexandria, Antioch, constantinople at Jerusalem. Pangalawa ang taong suwail sa magulang na taga Germany, siya ay pinag-aaral ng abugasya ng kanyang magulang di sinunod ang magulang siya ay pumasok sa pagka-monghe at di nagtagal siya ay inordinahan bilang Pari ng simbahang katolika. Ngunit ang kanyang pinaggagawa ay siraan at hadlangan ang mga alitun-tunin ng kanyang pinasok na iglesya. Di nagtagal lumabas din ang  motibo ng taong ito tinangay ang isang Madre ng kumbento at inasawa, at sila ay nagsama at nagkaroon ng mga anak. At nagtayo sila ng sariling relihiyon na ipinangalan sa kanyang sariling pangalan. Ang taong ito ang pasimuno ng pag-aalsa laban sa iglesya ng Panginoon. At marami itong nabiktima na mga taong mahihina ang pananalig at mapaniwalain (Roma 16:17-18). At iyan ang katuparan ng mga pahayag ni apostol Pablo tungkol sa mga taong ayaw magpasakop kay Cristo na siyang ulo at maykapangyarihan sa buong katawan, siya ang nangangalaga at nagpapa unlad nito (Colosas 2:19). Ang tinutukoy ni apostol Pablo na buong katawan ay ang iglesya na pinamumunuan ni Cristo, at ipinagkatiwala naman ang pamamahala kay apostol Pedro, na siyang kinikilalang unang Papa o, ulo ng simbahang katolika o, pangulo dito sa Daigdig. At ang kapangyarihan ng karapatang ito ay isinasalin naman sa mga tagasunod ni Cristo, kaya’t patuloy ang pagsalin ng kapangyarihan ng karapatan mula noon hanggang ngayon at magpakailanman, para sa mga taong hihirangin ng Panginoong Jesus, na mamahala sa kanyang iglesya dito sa Daigdig. 

Ang mga babala ng Panginoong Jesus, at ng mga Apostol na mag-ingat sa mga bulaang propeta at bulaang guro.

      "Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat. – Mateo 7:15
   Sumagot si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.  -  Mateo 24:4-5 
    Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao.  Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami.  -  Mateo 24:11-12
           "Kung may magsabi sa inyo, 'Narito ang Cristo!' o kaya'y 'Naroon siya!' huwag kayong maniniwala.  Sapagkat may mga magpapanggap na Cristo at may mga magpapanggap na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, ang mga hinirang ng Diyos.  Kaya't mag-ingat kayo. Sinasabi ko na sa inyo ang lahat ng bagay bago pa man ito mangyari."  -  Marcos 13:21-23

Ang babala ni apostol Pedro tungkol sa mga bulaang guro:

       Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila.  Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. -  1 Pedro 5:8-9

       Noong una, may mga huwad na propetang lumitaw sa Israel. Gayundin naman, may darating sa gitna ninyo na mga huwad na guro. Lihim silang magtuturo ng mga maling aral na ang dulot ay kapahamakan. Pati ang Panginoong nagligtas sa kanila ay kanilang itatakwil, kaya't di magtatagal at sila'y mapapahamak.  At marami silang mahihikayat na sumunod sa kanilang kahalayan; at dahil dito, pati ang daan ng katotohanan ay mapaparatangan ng masama.  Sa kanilang kasakiman, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang matatamis na pananalita. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila ay hindi natutulog.  -  2 Pedro 2:1-3
     lalo na ang sumusunod sa mahalay na nasa ng katawan at humahamak sa kapangyarihan ng Diyos.  -  2 Pedro 10
        Ang katulad ng mga huwad na gurong ito ay mga batis na walang tubig, at ulap na itinataboy ng malakas na hangin. Inilaan na ng Diyos ang kadiliman para sa kanila.  Mayayabang sila kung magsalita, ngunit wala namang kabuluhan ang sinasabi. Ginagamit nila ang nasa ng laman upang maibalik sa kahalayan ang mga nagsisimula pa lamang lumayo sa mga taong namumuhay ng may kalikuan.  –  2 Pedro 2:17-18

Ang babala ni apostol Juan tungkol sa mga bulaan propeta:

       Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.  – 1 Juan 4:1
        Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo,  sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain.  -  2 Juan 1:10-11

      Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na.  -  1 Juan 4:3

Ang babala ni apostol Judas, tungkol sa mga taong walang Diyos na hindi kumikilala sa Panginoong Jesus:

                 sapagkat lihim na nakapasok sa inyong samahan ang ilang taong ayaw kumilala sa Diyos. Binabaluktot nila ang aral tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos upang mabigyang katuwiran ang kanilang kahalayan. Ayaw nilang kilalanin si Jesu-Cristo, ang ating kaisa-isang Pinuno at Panginoon. Noon pa mang una, sinabi na ng kasulatan ang parusang nakalaan sa kanila.  -  Judas 1:4
                  Noon pa'y sinabi na nila sa inyo, "Sa huling panahon, may lilitaw na mga taong mapanlait at alipin ng masasamang nasa ng laman."  Ito ang mga taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, mga taong alipin ng kanilang masasamang nasa at hindi pinapanahanan ng Espiritu.  -  Judas 1:18-19

Itinagubilin ni apostol Pablo, na iwasan ang mga taong lumilikha at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral:

              Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa mga aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.  Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod para kay Cristo na Panginoon natin, kundi para sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.  -  Roma 16:17-18

            Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito.  -  Colosas 2:8

          Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa ipinaggigiitan nilang mga bagay na di naman nakikita. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman.  -  Colosas 2:18


Ang mensahing ito ay paala-ala sa mga taong naililigaw ng mga bulaang propeta at bulaang guro:


Mula sa Philippine Catholic Faith Crusaders:

Julius A. Celis

Kung nais mong maki-isa para sa pagtataguyod ng tamang aral mag e-mail ka sa: juliuscelis@live.com.ph