User:Filipinoklab
Republika ng Pilipinas
WESTERN PHILIPPINES UNIVERSITY
KOLEHIYONG EDUKASYON AT PAGTUTURO
(Collegeof Teacher Education)
San Juan, Aborlan, Palawan
FILIPINO KLAB
Ang Konstitusyon at mga batas
PUNONG-TUGON
Kami,na lumagda sa dahon ng mga papel na ito, nasa hustong gulang, mgakapwa mamamayang Filipino at mga mag-aaral ng Western PhilippinesUniversity sa ilalim ng Kolehiyo ng Edukasyon at Pagtuturo (Collegeof Teacher Education) may kusang-loob na nagkaisa at inorganisa angaming sarili sa isang samahang kilala sa tawag na FILIPINO KLAB sapamamagitan ng gabay nang Banal na Espiritu ng Poong Maykapal, atumaasa na kami ay maging sa kagandahang-asal, pisikal, pag-iisip atispiritwal ay magagawang huwarang mag-aaral ng pamantasan lalo na atsa buong mahal na bayang Pilipinas, sa pamamagitan nito amingipinoproklama itong konstitusyon at ang mga batas.
ARTIKULO I
PANGALAN AT POOK-TAHANAN/TANGGAPAN
Seksyon1. Angpangalan ng samahan ay tatawaging FILIPINO KLAB.
Seksyon2. Angpangunahing pook-tahanan/tanggapan ng samahan ay itatatag saWPU-Kolehiyo ng Edukasyon at Pagtuturo (College of Teacher Education)sa MainCampus,Aborlan, Palawan.
ARTIKULO II
MGA LAYUNIN
Seksyon1. Upang isagawa ang mga prinsipyo na ipinahayag sa punong-tugongayundin ang misyon at pananaw.
Seksyon2. Upangitaguyod ang mabuting pagkikipagtulungan sa mga mag-aaral, mga guroat mga kawani ng pamantasan.
Seksyon3. Upangitaguyod ang mabuting pakikipagkaibigan at maayos na kapaligiran samga kasapi ng samahan.
Seksyon4. Upangitaguyod ang pisikal at mental na panlipunang pag-unlad ng mga kasapisa pamamagitan maayos na mga gawain at programa.
Seksyon5. Upangkumilos bilang isang lakas-bisig ng kolehiyo at Pamantasan sapagsagawa ng pangkurikular na mga gawain lalo na sa Filipino tulad ngBuwan ng Wika tuwing Agosto.
Seksyon6. Upangmatulungan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ngpamantasan at sa Panlipunang pag-unlad.
Seksyon7. Upangtulungan ang pamantasan sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kalinisanat kaayusan ng silid-aralan at koliheyo nito.
Seksyon8. Upangpagyamanin at isulong ang misyon, pananaw, at mga layunin ngpamantasan sa pamamagitan ng paglahok sa anumang kaugnayangpangkaunlaran na mga gawain.
Seksyon9. Upangitaguyod ang pagpapaunlad at mataas na kalidad na pasimula o umunladna teknolohiya sa pamantasan.
Seksyon10. Upangitaguyod ang kahalagahan at pagpapayaman sa antas ng wikang Pambansa.
ARTIKULO III
SAGISAG/SIMBOLO AT WATAWAT
Seksyon1. AngFilipino Klab ay mayroong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng sagisagat simbolo nito.
Seksyon2.Ang sagisag nito ay sumisimbolo sa isang hugis na bilog na isatitikang ¨SAGISAG NG FILIPINO KLAB¨ paikot sa gilid nito at pumapagitnaang¨WPU¨.
Seksyon3. Sagit na ng Bilog ng sagisag sumisimbolo ang:
Tatlong kulay dilaw na mga bituin-ito ay sumisimbolo sa pagiging makabayan, makadiyos at makatao na mgatunay na Filipino ng mga mag-aaral, kawani at mga guro ng pamantasan.
Hugis tao na bughaw-ito ay sumisimbolo sa mga mag-aaral ng pamantasan at ang mga kasapi ngorganisasyon na gustong abutin at tupdin ang tatlong kulay dilaw namga bituin.
Hugis tao at kamay na kulay Pula-sumisimbolo ang kamay sa mga kawani at mga guro ng pamantasan nagumagabay at humuhubog sa mga mag-aaral. Upang ang mga mag- aaral aymaging isang ganap na mga mamamayang may dignidad at pagmamahal sabayan. Gayundin sa mga kawani at mga guro na sumisimbolo at hugis taona abot-kamay rin sa tatlong kulay na mga bituin.
Hugis araw at limang sinag nito-sumisimbolo ang araw sa kwalidad na edukasyon ng pamantasan na nagsisilbing gabaynaman ang limang sinag nito sa: Pagpapahalaga ng mga PanlipunangGawain, Pagmamalasakit sa kalikasan, Pagpapaunlad ng teknolohiya atkabuhayan, Pagpapahalaga sa Kultura, tradisyon at wikang pambansa, atang responsabling paghubog ng mga dunong para sa kinabukasan ng bawatFilipino.
Seksyon4. Ang organisasyon ay magkakaroon ng watawat/bandila na kulay bughaw nasumisimbolo sa katatagan, pagkakaisa, pagtitiwala, katotohanan,pagkakonserbatibo, seguridad, kalinisan, kaayusan, katapatan, atpagiging ganap na may halaga ang organisasyon sa bawat kasapi nito,sa koliheyo, sa pamantasan at maging sa panlipunang pag-unlad. At saGitna nito nakatatak ang sagisag ng organisasyon.
ARTIKULO IV
PAGIGING KASAPI
Seksyon1. Anglahat ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay awtomatikongkasapi ng organisasyon. Ganundin naman ang sinumang gustong magingkasapi na mag-aaral ng pamantasan.
Seksyon2. Angisang beses na taunang bayad ay Php10.00 na dapat na hingin sa bagongmga kasapi, at Php10.00 naman para sa pagiging kasapi na bayarin nadapat bayaran sa pagpapalista (enrollment).
Seksyon3. Ang(mga) tagapayo ng organisasyon ay dapat na itinuturing bilangonoraryong kasapi na kahit hindi dumaan sa botohan. Siya/sila aydapat kilalanin bilangkasapi at hanggang siya ay hihirangin ngdekano/dekana ng kolehiyo bilang tagapayo ng organisasyon.
Seksyon4. Ang mgaKomisyoner naman ng Komisyon ng Konstitusyon(KKO) ng organisasyon aydapat din na itinuturing bilang onoraryong kasapi na kahit hindidumaan sa botohan o sa pamamagitan lamang ng paghirang ng tagapayo opangulo ng organisasyon upang magratipika at gumawa ng luma o bagongkonstitusyon at mga batas. At ito ay ituturing na lehitimong prosesobago iharap sa pangkalahatang asembleya.
ARTIKULO V
MGA KARAPATAN NG KASAPI
Seksyon1. Ang mgakasapi ng organisasyon ay dapat na magkaroon ng mga sumusunod na mgakarapatan;
a. Karapatan na dumalo atlumahok sa mga pagpupulong at mga gawain ng organisasyon atpamantasan.
b. Karapatan sa pagboto, atiboto bilang opisyal ng organisasyon.
c. Karapatang matugunan mulasa organisasyon bilang mga indibidwal na / grupo ang mga problema ohinaing na may kaugnayan sa kabutihan ng mga kasapi.
d. Karapatan na malaman angtungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa mga opisyal na gawain,transaksyon, mga tala, operasyon pangkalakal at mga desisyon ngorganisasyon.
e. Karapatan na marinig atmaghanap ng pagwawasto sa di kanais-nais na mga gawain, anulmaya,irigularidad at mga isyu na patungkol sa organisasyon.
ARTIKULO VI
MGA TUNGKULIN AT MGA OBLIGASYON NG MGA KASAPI
Seksyon1.Tungkulin ng bawat kasapi na magbayad ng kaukulang taunang bayarin nanakasaad sa mga batas sa ilalim ng konstitusyon o ang napagkasunduansa pangkalahatang asembleya.
Seksyon2.Tungkulin ng bawat kasapi na dumalo sa mga pagpupulong katulad ngpangkalahatang asembleya, regular o biglaang pagpupulong at iba pangpangsosyal na pagtitipon.
Seksyon3.Tungkulin ng bawat kasapi na magrespeto at makipagtulungan sa mgaguro, mga kapwa mag-aaral at mga awtorisadong personalidad sapamantasan upang matugunan ang pagpapanatili ng kapayapaan atkaayusan sa loob at labas ng paaralan.
Seksyon4.Tungkulin ng bawat kasapi upang mapanindigan ang konstitusyon at mgabatas nito ng organisasyon at obserbahan ang mga alituntunin atregulasyon nito.
Seksyon5.Tungkulin ng bawat kasapi na dumalo sa pagpapaunlad ng kaayusan atkalinisan ng kapaligiran sa araw na naitalaga ng koliheyo opamantasan.
Seksyon6.Tungkulin ng bawat kasapi na suportahan at makipagtulungan sa mgaopisyales ng SBG/SC at sa kolehiyo na matugunan na mga alituntuninnito o programa at lalo't higit sa organisasyon.
Seksyon7.Tungkulin ng bawat kasapi na sumunod sa anumang alituntunin sa kodigong disiplina na nakasaad sa handbok ng Mag-aaral (Student Handbook).
ARTIKULO VII
DISIPLINA
Seksyon1. Ang mgakasapi na nakitaan ng pag-inom at/o paggamit ng ipinagbabawal nagamot, nakakalango na inumin at matatalim na mga kasangkapan aymapapatawan sa nakasaad na kodigo ng disiplina ng pamantasan.
Seksyon2. Ang mgakasapi na gumagamit ng madudumi , bulgar at/o balbal na mga salita
aymapapatawan sa nakasaad na kodigo ng disiplina ng pamantasan.
Seksyon3. Ang mgakasapi na hindi susuot ng napagkasunduan na kompletong uniporme saitinakdang oras/okasyon ay magmumulta ng Php10.00 bawat araw onakadepende sa ipinatutupad ng bawat kolehiyo o departamento ngpamantasan.
Seksyon4. Ang mgakasapi na bigong makadalo sa pagpupulong ng organisasyon at mgaprograma/palatuntunan ay magmumulta ng Php10.00 . Ganundin naman samga opisyales nito na magmumulta ng P20.00. Liban na lamang kapagmayroong makatarungang dahilan.
ARTIKULO VIII
ISTRAKTURANG PANG-ORGANISASYON, OPISYALES,
ATMGA TUNGKULIN/RESPONSIBILIDAD
ISTRAKTURANGPANG-ORGANISASYON:
Pangulo
Pangalawang Pangulo
Kalihim
Ingat-yaman
Awditor
Tagapagbatid
Tagapamayapa
Tagapamayapa
Tagapangasiwa sa kalakalan
Lakambini
Lakan
Tagapayo
Mgaopisyales sa iba't ibang departamento/seksyon na may asignaturangFilipino
Alkalde
Bise Alkalde
Kalihim
Ingat-yaman
Awditor
Tagapagbatid
Tagapamayapa
Tagapamayapa
Tagapangasiwa sa kalakalan
Lakambini
Lakan
Tagapayo
MGAKAKAYAHAN AT TUNGKULIN/RESPONSIBILIDAD:
Seksyon1. Ang mgakakayahan/kapangyarihan at tungkulin ng pangulo ng Filipino Klab ayang mga sumusunod:
a.Simulan ang pagpaplano ngmga taunang gawain ng mga organisasyon at pagbigay ng ulat-papel satagapayo ng organisasyon / dekano ng OSA at sa SBG.
b.Mamuno sa pagpapulong ngorganisasyon, mga programa at palatuntunan at pangkalahatangpagpupulong o asembleya .
c.Ipatupad ang mga plano atbigyang-pansin na ang pera o pondo ng organisasyon ay ginagamit sawastong paraan para sa mahalagang mga nagawa nito o gagawin palamang.
d.Gumawa o gumastos ng pondong organisasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng ingat-yaman at samga angkop na pondo para sa biglaang pagkakataon at mahahalagangbagay.
e.Pangasiwaan at tupdin anglahat ng mga proyekto at ang mga nagawa o gagawin pa lamang ngFilipino Klab.
f.Kakatawan sa anumanggawain at programa sa SBG at iba pang awtorisadong mga gawain atorganisasyon ng pamantasan.
g.Magkaroon ngpangkalahatang kontrol at pangangasiwa sa mga mag-aaral o kasapi ngorganisasyon.
h.Gumanap ng iba pang mgatungkulin kung kinakailangan para sa kapakanan ng organisasyon.
Seksyon2. Ang mgakakayahan/kapangyarihan at tungkulin ng pangalawang pangulo ngFilipino Klab ay:
Tupdinat akuin ang mga tungkulin ng pangulo sa pagkakataon na wala ito.
Seksyon3. Ang mgakakayahan / kapangyarihan at tungkulin ng Kalihim ng Filipino Klab ayang mga sumusunod:
a.Magtala ng mga minit oulat ng bawat pagpupulong ng mga opisyales at pangkalahatangkapulungan.
b.Ingatan ang lahat ng maykinalaman na talaan o mga tala ng organisasyon.
c.Akuin at tupdin angtungkulin ng pangulo at pangalawang pangulo upang pamunuan angpagpupulong o programa sa pagkakataong wala ang mga ito.
d.Magpasa at ibigay sa OSAlahat ng mga libro, mga rekord/tala, dokumento ng mga Flipino Klab sapanahon na tapos na ang kanyang termino bilang kalihim.
e.Lumagda sa pangsemestralna klerans ng mga kasapi ng Filipino Klab kung ito ay kinakailangan.
f.Gumanap ng iba pang mgatungkulin na kinakailangan ng organisasyon.
Seksyon4. Ang mgakakayahan/kapangyarihan at tungkulin ng Ingat-yaman ng Filipino Klabay ang mga sumusunod:
a.Pag-ingatan ang lahat ngmga pondo at mga pag-aari ng Filipino Klab.
b.karapatang mangolekta atpanatilihin ang mga rekord/tala ng lahat ng mga bayarin na ipinatawng organisasyon, at magbigay ng resibo sa tinanggap na mga koleksyonsa mga kasaping bumayad.
c.Kinakailangang maghanda ngmga pinansiyal na ulat at pahayag ng organisasyon sa mga pagtatanghalo ng mga pagpupulong at kapag ito ay kinakailangan.
d.Maglagak o magdeposito ngkoleksyon sa kaukulang bangko / kooperatiba sa pamamagitan ng akawntng Filipino Klab at kumuha sa pagkakataong kinakailangan ngorganisasyon.
e.Gumanap at kumilos bilangtagapangulo ng pagtitipon ng komite ng Pondo ng organisasyon.
f.Kinakailangang magsumiteng panahunang-ulat sa OSA tungkol sa pinansyal na kalagayan ngorganisasyon.
Seksyon5. Ang mgakakayahan/kapangyarihan at tungkulin ng iba pang mga opiyales ngFilipino Klab ay ang mga sumusunod:
a.Kinakailangang tulunganang pangulo sa pagsasagawa ng mga pulong at iba pang mga gawain ngorganisasyon.
b.Gabayan at suportahan angorganisasyon sa kapaki-pakinabang na mga gawain.
c.Kinakailangang maglingkodbilang lakas-bisig ng organisasyon.
d.Magbalangkas ngresolusyon, reklamo o tumugon sa konstitusyon ng organisasyon at angpatungkol sa mga interes ng mag-aaral o kasapi.
e.kakatawan sa mgaorganisasyon sa patakarang pagbabalangkas o mga gawain ng SBG.
f.Bumalangkas at alamin angulat-pinansyal ng ingat-yaman.
Seksyon6. Ang mgakakayahan/kapangyarihan at tungkulin ng mga kasapi ng Filipino Klabay ang mga sumusunod:
a.Kinakailangang tulunganang mga opisyales ng organisasyon sa pagsasagawa ng mga proyekto atiba pang mga gawain ng organisasyon.
b.Makiisa at suportahan angorganisasyon sa kapaki-pakinabang na mga gawain.
c.Kinakailangang maglingkodbilang lakas-bisig ng organisasyon.
d.Magbalangkas ngresolusyon, reklamo o tumugon sa konstitusyon ng organisasyon at angpatungkol sa mga interes ng mag-aaral o kasapi.
e.kakatawan sa mgaorganisasyon sa patakarang pagbabalangkas o mga gawain ng SBG.
f.Bumalangkas at alamin angulat-pinansyal ng ingat-yaman.
g.Obserbahan, magmungkahi atalamin ang konstitusyon at mga batas ng organisasyon. Gayundin angmga alituntunin nito.
ARTIKULO IX
ELEKSYON
Seksyon1.Mayroong taunang halalan ang organisasyon para sa mga opisyales nagaganapin bago matapos o sa huling linggo ng buwan ng Hulyo.
Seksyon2. Angnahalal na mga opisyales ng organisasyon sa bawatdepartamento/seksyon ay awtomatikong kasama ng pangunahing opisyalessa pagbuo ng pamamahala nito.
Seksyon3. Sapagkakataong magkaroon ng puwang ang anumang posisyon ay magkakaroonagad ng espesyal na pagpupulong at halalan ukol sa naturang usapin.Liban nalang sa pangulo sapagkat papalitan lamang ito ng pangalawangpangulo. At siya'y magtatalaga lamang ng pangalawang pangulo sakalingsiya'y naupo na bilang pangulo ng organisasyon.
Seksyon4. Saespesyal na halalan ang paraan ng pagboboto ay sa pamamagitan lamangng simpleng
pagtaasng kamay ng mga kasapi.
Seksyon5. Anghalalan sa bawat departamento/seksyon ay mangyayari lamang kapagnabuo at nahalal na ang pangunahing opisyales ng organisasyon.
ARTIKULO X
KWALIPIKASYON NG MGA OPISYALES
Seksyon1. Lahatng kasapi ng Filipino Klab ay may karapatang maging Opisyal ngorganisasyon maliban sa mga nasa unang taon na mga mag-aaral na hindikwalipikado.
Seksyon2. Dapatmayroong magandang moral na karakter at walang anumang di kanais-naisna tala sa pamayanan at pamantasan.
Seksyon3. Dapattumatalima sa kwalipikasyon na maiproklama na maging opisyal sanakasaad na Kodigo ng Eleksyon sa SBG at sa Filipino Klab.
ARTIKULO XI
MGA PAGPUPULONG AT KORUM
Seksyon1.Kailangang ang isang regular na pagpupulong o pangkalahatangassemblya ay isagawa kapag sakaling napagkasunduan ng mga kasapi saunang pagpupulong.
Seksyon2. Ang isang espesyal na pulong ay ipapatawag sa pamamagitan ng pangulo ,pangalawang pangulo/ alkalde at tagapayo sa pagkakataongkinakailangan ng organisasyon.
Seksyon3.kailangan ang pagdalo ay binubuo ng isang korum para sa regular napulong ay dapat na 50 +1 ng regular na mga aktibong miyembro/kasapi oang mga Filipino medyor.
Seksyon4. Angdekano ng kolehiyo at / o ang mga tagapayo ng Filipino Klab ay dapatpasabihan ng mga pulong at dapat bigayn ng kopya ng mga minit ng mgapagpupulong.
ARTIKULO XII
MGA KOMITE AT KOMISYON
Seksyon1. Angorganisasyon ay dapat magkaroon ng mga sumusunod na mga komite atKomisyon;
FundRaising Committee.Ang organisasyon ay dapat lumikha ng isang paglilikom ng pondo ngorganisasyon sa pamamagitan ng komiteng ito.Kinakailangang binubuoito ng mga Tagapangasiwa sa kalakalan at iba pang mga kasapi. Napamumunuan naman sa pamamagitan ng ingat-yaman ng Filipino Klab at sailalim ng pangangasiwa ng pangulo.
Komiteng Panlipunan at espirituwal na pag-unlad. Ang organisasyon ay dapatgumawa ng isang komite sa panlipunan at espirituwal na pag-unlad nanaglalayong itaguyod ang pagpapaunlad ng pagpapahalagang moral nanaaayon sa mabuting pakikisama sa harap ng mga kasapi ngorganisasyon, na pamumunuan sa pamamagitan ng pangulo, pangalawangpangulo/ alkalde at ang mga lakan at lakambini ng bawatdepartamento/seksyon bilang mga kasapi .
Seksyon2.Komisyon saKonstitusyon.Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Konstitusyon upang mapanindigan,mairatipika at baguhin ang Saligang Batas at sa mga batas nito ngorganisasyon. Pangangasiwaan ng mga komisyoner ng komisyon atpamumunuan sa pamamagitan ng punong Komisyoner at bigyang-tugon namanng pangulo upang aprobahan, kasama ang tagapayo.
Seksyon3. Angorganisasyon ay magkakaroon at ng iba pang komite o komisyon kungkinakailangan sa ikakabuti nito.
ARTIKULO XIII
PAGPAPABISA
Seksyon1. AngKonstitusyon at mga batas na ito ay magkakabisa agad sa pamamagitanng isang pagpapatibay sa masusing pagpupulong ng Komisyon ngKonstitusyon o isang plebisito/ pangkalahatang asembleya kasama angpangulo, pangalawang pangulo, tagapangulo ng komisyon, pangalawangtagapangulo, mga kasapi ng komisyon at tagapayo na gaganapin para salayunin at dapat pumalit sa lahat ng nakaraan o bagong Konstitusyonsa lahat ng mga kasapi ng Filipino Klab.
Seksyon2. AngKonstitusyon at mga batas na ito na iminungkahi ay inaprobahan ngKomisyon ng Konstitusyon ng Organisasyon (KKO) ngayong ika-19 ngHulyo, taong dalawanglibo't sampu (2010).
Seksyon3. AngKonstitusyon at mga batas na ito ay naaayong nilagdaan ng mgakomisyoner, at mga pangunahing opisyales ng organisasyon ngayongika-20 ng Hulyo, taong dalawanglibo't sampu (2010), sa gusali ngKolehiyo ng Edukasyon at Pagtuturo (College of Teacher Education) saMainCampus,San Juan, Aborlan, Palawan.
Inihanda at Iniwasto:
MARJORIE MANCAO
Pangkalahatang kalihim
ANNIEJOY A. PATRICIO
Tagapangulong Komisyon ng Konstitusyon
MYRNA TAGARO
Pangalawangtagapangulo
ngkomisyon ng konstitusyon
FEDELYN F. MAGBANUA
Pangalawangtagapangulo
ngkomisyon ng konstitusyon
Mgakasapi ng komisyon:
MA.CATHERINE ESPARTERO
komisyoner
KATHREEN DIAMA
komisyoner
ROSEANN C. TABUCALDE
komisyoner
Pinagtibay:
ERWIN B. FAVILA
Pangulo
Ika-20ng Hulyo, 2010
CAROLINA C. TABINGA
Tagapayo
MENCHU P. ACOY
Tagapayo
Ika-20ng Hulyo, 2010 Ika-20ng Hulyo, 2010