User:Augustusguarin
This page has been removed from search engines' indexes. Ang " dot–com buuble" ( o "IT bubble" [1] o “””TMT bubble””” na tinatawag kung minsan ) ay isang speculative bubblena nangyari noong 1995 -2000 ( na naisa-katuparan nang sukdulan noong ika 10 ng Marso, 2000 at nakasabay ng pagtaas sa NASDAQ ng 5132.52 puntos) na sa mga panahong iyon ang mga stock market ng mga bansang industriyalisado ay nakaranas ng mabilis na paglago mula sa mga bagong larangan ng sektor ng Internet sector at ng iba pang mga larangan na may kaugnayan dito. Bagamat ang nangyari sa mga huling bahagi ng panahong iyon ay isang siklikong boom and bust, ang “”Internet boom”” kung minsa’y tumutukoy din sa matatag na paglagong komersyal ng Internet sa pagpasok ng world wide web kagaya nang unang labas ng Mosaic web browser noong 1993 na nagpatuloy hanggang sa kabuuan ng taong 1990. Nasaksihan noong mga panahong iyon ang pagkakatatag (at sa maraming pagkakataon, ang kahindik-hinhik na pagbagsak ng mga ito) ng mga bagong grupo ng mga kompanyang Internet base o kadalasang tinatawag na “dot-coms”. Nagisnan ng mga kumpanya ang maaring pagbulusok ng presyo ng kanilang mga stocks kung daragdagan lamang nila ng unlaping “e-” prefix ang kanilang pangalan at/o ng isang hulaping “com” , na siya namang tinawag na “prefix investing” ng isang manunulat. [2] Ang kombinasyon ng mga pinagsama-samang mabilis na pagtaas ng presyo sa stocks, ang kumpyansa o indibidwal na spekulasyon ospeculation sa merkado na ginagawang kita sa hinaharap ng mga kompanya, at ang pagkakaroon ng pabigla-biglang venture capital ay nagbigay daan sa paglikha ng isang situwasyong nagpahintulot sa mga mamumuhunan na baliwalain ang mga tradisyonal na panukat gaya ng P/E ratio at palitan ito ng pagkakaroon ng kumpiyansa sa mga pag-unlad teknolohikal.
Paglagong bula
[edit]Nasaksihan ng mga pasulong na uri ng mga kapitalista o Venture Capitalists ang mga kaganapang noo’y hindi pa na nangyari gaya ng paglaki sa halaga ng mga stocks ng mga kompanyang “dot-com”; at tumakbo ang mga ito nang walang pakundangan, na mas pinili na lang na bawasan ang panganib ng kanilang pakikipag-sapalaran sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga magsisipaglahok at pabayaan ang merkadong maghusga kung sino ang magtatagumpay. Ang mababang singil sa interes noong 1998 -99 ay nakatulong sa pag-laki ng pasimulang halaga ng kapital. Bagamat marami sa mga bagong mangangalakal o entrepreneurs na mga ito ay may mga planong realistiko at abilidad pang adminitratibo, mas marami sa kanila ang salat sa mga katangiang ito ngunit nakapagbenta pa ng kanilang mga ideya sa mga mamumuhunan dahil lamang sa pagiging bago ng konseptong dot-com.[citation needed] Ang basehang kanonikal ng modelong pang negosyo o business model ng isang kompanyang “dot-com” ay nakasalalay sa paggamit ng network effects at sa pagpapatakbo sa mga napanatiling pagkaluging neto o net loss upang makabuo ng isang market share ( o mind share). Nag-alay ang mga kompanyang ito ng kanilang mga serbisyo o ng mga tapos na produkto nang libre sa pag-asang makakabuo sila ng sapat na kaalaman tungkol sa pangalan ng kanilang produkto na malalapatan naman nila ng halagang kikita para sa mga serbisyo nila sa kalaunan. Ang motto’ng “mabilisang paglago” ang sumasa-lamin sa stratehiyang ito. .[3] Sa mga panahon nang pagka-lugi, umasa ang mga kompanya sa venture capital at lalo na sa mga initial public offerings ng mga stocks para mabayaran ang kanilang mga gastusin kahit na wala naman talaga silang pinagkakakitaan. Ang pagiging bago ng mga stocks na ito, kasama na rito ang kahirapan upang matukoy ang tunay na halaga ng mga kompanya, ay nagpa-taas pa sa halaga ng mga stocks sa isang nakahihilong nibel at ginawang ubod ng yaman sa papel ang mga naunang tagapamahala ng kompanya. Sa pananaw ng kasaysayan, maaring tulad ng dot-com boom ang marami nang mga booms na teknolohiya o booms ang pinag-uugatan, kasama na rito ang boom sa mga riles ng tren noong 1840, boom sa mga awto at radio noong 1920, at boom sa mga transistor electronics noong 1950. [citation needed]
Ang Pagbulusok Pataas ng Mga Stocks
[edit]Sa mga merkadong pang pinansyal, ang bulang pang stock o stock market bubblesa merkado ay nangyayari kapag mag-isang tumataas o nagbuboom na bahagyang halaga ng stocks sa isang particular na industriya. Maaring nang gamitin ang bansag na iyon nang may pagka-sigurado sa kontexto ng isang pagbabalik tanaw at tapos nang bumagsak ang bahagdang presyo. Nangyayari ang isang bula o buuble kapag ang mga nakikipagsapalaran ay magsimulang makapansin na ng isang mabilis na pagtaas sa halaga at magpasiyang bumili na inaantabayan ang mga susunod pang pagtaas; at hindi dahil sa ang mga bahagdang ito ay may mababang halaga kumpara sa tunay na halaga ng mga ito. Madalas na mangyari na maraming mga kompanya ang may mas mataas pang halaga kaysa tunay na halaga ng mga nito. Kapag “pumutok” na ang bula, ang mga bahagdang presyo ay maladramatikong bababa, at maraming kompanya ang nawawalan ng negosyo. May likas ding mga pagkakamali sa modelong dot-com: maraming mga kompanyang ang may magkakaparehong plano sa negosyo para imonopoliya o monopolizing ang kani-kanilang mga sektor sa pamamagitan ng epektong pang network o network effects, at malinaw noong mga panahong iyon, na kapag maayos ang plano, may isa lamang na mananalo sa network-effects, at kanya nga halos lahat ng kompanyang may ganitong uri ng planong pang-negosyo ay mabibigo. Sa katunayan, maraming sektor ang hindi kayang suportahan ang kahit isang kompanyang pinapatakbong mag-isa ng network effects. [citation needed] Kahit na ganun pa man ang nangyari, may ilang kompanyang kumita ng napakalaki nang naibenta na ang kanilang kompanya sa mga unang bahagi ng dot-com stock bubble. Ang kauna-unahang tagumpay na ito ay mas lalong nagpagaan pa sa bula. Sa kaunaunahang pagkakataon, marami ang personal na namuhunan noong panahon ng bula, at na-ibalita pa sa press ang paglitaw ng mga taong nilisan ang kanilang trabaho upang maging full time day traders. [4][5][6]
Malayang Paggastos
[edit]Ayon sa teoriyang dot-com, nakasalalay ang pag-iral ng isang kompanyang Internet sa pagpapalawak ng customer base nito sa pinaka mabilis na paraan, kahit na magbunga pa ito ng malaking pagkalugi sa bawat taon. Halimbawa, walang natamasang kita ang Google at Amazon sa unang mga taon nito. Gumastos ang Amazon sa pagpapalawak ng costumer base nito at sa pagpapa-alam sa mga tao na sila’y umiiral; abala naman ang google sa paggastos upang makagawa ng isang makinang may mas malakas na kapasidad na tutugon sa lumalaki nitong search engine. .[citation needed] Ang pariralang “ Kapag Lumago na, lumayas na” ang kasabihan noong mga araw na iyon. [7] Sa kataasan ng boom possible para sa isang dot-com na may taglay na pag-asa na gumawa ng isang initial public offering (IPO) para sa mga stocks nito at kumita ng malaking pera kahit na hindi pa nitong naranasan na kumita noon – o, sa ibang pagkakataon, ni hindi pa kumita ng kahit anupaman kahit kalian.[citation needed] Sa mga situwasyong ganun, ang haba ng buhay ng isang kompanya ay nasusukat sa pamamagitan ng burn rate nito: iyon ay, ang rate na kung saan ang isang hindi kumikitang kompanya na nagkulang sa isang maaring business model ay ginagamit ang kanyang capital bilang isang tagapagsukat o metric. Ang pangangampanya upang ipaalam sa publiko ay isa sa mga paraan upang mapalago ng mga dot-coms ang kanilang customer base. Kasama dito ang pagkakaroon ng mga patalastas sa telebisyon, mga karatula, at pagtarget sa mga kaganapang pang-sports. Maraming mga dot-coms ang pinangalanan ang kanilang mga sarili ng mga salitang walang kabuluhan Oonomatopoeic sa hangaring matandaan ito at hindi mapagkamalang ka-pangalan ng kakumpetensiya.Nagpalabas noong Enero ng 2000 ang Super Bowl XXXIV ng labimpitong kumpanyang dot-com na ang bawat isa’y nagbayad sa lampas na dalwang milyung dolyar para sa tatlumpong segundong patalastas. Ngunit kakaiba naman ang nangyari noong Enero ng 2001 nang tatlo lamang sa mga dot-com ang bumili ng mga spot sa patalastas noong SuperBowl XXXV. Sa parehong daloy ng pangangatuwiran, ang iWon.com na suportado ng CBS ay namigay ng sampung milyung dolyar sa mga maswerteng mga kalahok noong ika 15 ng Abril, 2000, sa isang kalahating oras na primetime special na isinahimpapawid sa CBS. Hindi nakasosorpresa, na noong mga panahong umiiral ang mga kaisipang gaya ng “ growth over profits” at ang mga mistulang pangitain sa pagkakaroon ng “ new economy” ay walang pakundangang nag-udyok sa mga kumpanya ang magkaroon ng magarbong mga paggastos sa loob ng kumpanya, gaya ng pagkakaroon ng mga magarbong mga gamit pangnegosyo at maluhong bakasyon para sa mga empleyado. Ang mga ehekutibo at mga empleyadong binayaran naman ng mga stock options sa halip na cash ay biglang naging milyunaryo matapos maglunsad ang kumpanya ng initial public offering; marami ang ipinuhunan ang bago nilang nakatamtang kayamanan sa maraming mga dot-coms. Ang mga ciudad sa Estados Unidos ay nagnais na maging “sunod na Silicon Valley” at nagsipagtayo ng mga opisinang network-enabled upang hikayatin ang mga negosyanteng pang Internet. Ang mga communication providers naman , na nagtiwala na sa hinaharap na ekonomiya ay mangangailangan ng isang broadband access kahit saan at kung kalian, ay mabilis na nabaon sa malalim na pagkaka-utang para lamang mas lalo pang gumanda ang kanilang mga networks sa paakakroon ng mga high speed equipment at fiber optic cables. Ang mga kumpanyang gumagawa ng mga kagamitang pang-network gaya ng Nortel Networks ay tuluyan nang nagsira dahil sa mga naturang over-extension; nagdeklara ito ng pagkabangkarote noong unang mga bahagi ng 2009. Ang mga kumpanyang gaya ng Cisco, na walang mga gamit pamproduksyon, ngunit nakakuha mula sa ibang mga gumagawa nito, ay maaga at mabilis na lumisan at maayos na naka-ahon sa situwasyon lalo na nang pumutok na ang bula at nang naibenta na sa mababang halaga ang kanilang mga produkto. Ganoon din, sa Europa, ang malakihang halaga ng cash na iginugol nga mga mobile operators para sa mga lisensyang 3G halimbawa ng mga bansang Alemanya o Germany, Italya, at Englatera o United Kingdom,ay naging dahilan upang mabaon ang mga ito sa utang. An kanilang mga ipinamuhunan ay hindi pantay sa kasalukuyan at inaasahan nilang cash flow; ngunit hindi ito isina-publiko hanggang sa mga huling bahagi ng 2001 hanggang 2002. Dahilan sa pagiging likas na pagkaka-network ng industriyang Ito Information technology]], mabilis itong nagdulot ng problema sa mga maliliit na kumpanyang umaasa lamang sa mga kontrata ng mga operator.
Sa loob ng taong 1999 at sa mga unang taon ng 2000, itinaas ng Federal Reserve ng US nang anim na beses ang interest rate, [8] at nagsimulang bumagal ang takbo ng ekonomiya. Pumutok ang dot-com noong ika 10 ng Marso, 2ooo, kasabay nang pagtaas ng mabigat na makateknolohiyang NASDAQ Composite index[9][failed verification], na umabot sa pinakamataas nito sa 5,048.62 ( intra-day peak 5,132.52),mas mataas nang doble sa halaga nito noong taong lumipas. Bumaba nang kaunti ang NASDAQ pagkatapos noon, ngunit ito’y bunga sa pagwasto ng mali ayon sa karamihang nakapagsuri ng merkado; ang tunay na pagkakabalik sa dati at ang kinalabasang bear market ay maaring napasimulan ng makapinslang findings of fact sa kasong “ United States v. Microsoft na dininig ng korteng pederal o federal court. [citation needed] Ang natuklasan, na idineklarang isang monopoliya o monopoly ang Microsoft, ay inasahan na ng marami ilang lingo na bago pa ito lumabas noong ika 3 ng Abril. [citation needed] Isang posibleng dahilan sa pagbagsak ng NASDAQ (at marahil para sa lahat ng mga dotcoms na bumagsak) ay ang malakihan at bilyun-bilyong order para sa bellwether high tech stocks ( Cisco, IBM, Dell, etc.) na hindi inaasahang mangyari at nang nakasama pa nito ang pagprosesong naganap Lunes nang umaga matapos ang ika 10 ng Mayo ng nagdaang linggo. [citation needed] Nagresulta ang bentahang ito sa pagbukas ng NASDAQ na apat na porsyentong mas mababa kaysa tala nito noong Lunes ika 13 ng marso mula 5,038 hanggang 4,879 – ang pinaka malaking ‘pre-market” percentage na selloff para sa buong taong iyon. <!—Ito ay purong ispekulasyon gaya ng lahat ng nasa bahaging ito. Upang matukoy ang pagiging ispekulasyon nito, ano ang kinalaman ng IBM sa pagbaba ng mga presyo ng NASDAQ Augustusguarin (talk) 16:13, 4 September 2010 (UTC)--> Ang naunang malakihang batch ng mga order mula sa mga mamimili na naproceso noong Lunes, ika 13 ang siyang nagpasimula ng isang chain reaction ng mga pagbenta na kinain lamang kalaunan ang sarili nito bilang mamumuhunan, bilang pondo, at bilang mga posisyon naliquida ng mga institusyon. .[citation needed] Sa loob lamang ng anim na araw, nawalan ang NASDAQ ng halos siyam na porsyento, bumaba mula sa higit kumulang 5,050 noong Marso hanggang sa 4,580 noong ika 15 ng Marso. Isang pang dahilan marahil ang puspusang paggastos ng mga negosyo bilang paghahanda sa magaganap na Y2K. Lumipas ang Bagong Taon nang wala masyadong kaganapan, at nang nagisanan ng mga negosyo na meron silang mga kagamitan na kakailanganin sa takdang panahon, biglang huminahon ang kanilang paggastos. Ang kaganapang ito’y mai-uugnay din sa pinaka-mataas na antas na na-abot ng US stock markets. Tumaas ang Dow Jones noong ika-14 ng Enero ( nagsara sa 11,722.98)[10] at ang mas malawak na S&P500 noong ika 24 ng Marso, 2000( nagsara sa 1,527.46);[11] habang, mas ma-dramang tumaas ang FTSE 100 Index sa UK ng 8,950.60 sa huling araw ng kalakalan noong 1999 ( ika 30 ng Disyembre). Huminto ang pagkakaroon ng trabaho, maraming nawalan ng trabaho, at nagkaroon ng mga konsolidasyon ang iba’t ibang kumpanya, lalo na sa sector ng dot-com. Ang pagputok ng bula ay marahil may kaugnayan din sa mababang resulta ng mga retailer sa Internet pagkatapos ng Christmas noong 1999.[citation needed] Ito ang kauna-unahan at hindi maitatangging pampublikong ebidensya na ang “mabilis na pagyaman” na stratehiyang pang-internet ay depektibo para sa maraming kumpanya. Ang mga resultang pangretailer na ito ay naisapubliko noong Marso nang lumabas na ang taunan at kada ika-apat na buwanang report pampubliko ng mga kumpanya. [citation needed] Isinawalang bahala ng ilang mga malalaking negosyo ang tinaguriang mga pundamental at inakalang sa ngalan ng internet o ng makabagong ekonomiya, kahit ano na lamang ang maaring ibenta online at maaring manguna sa merkado ang kahit sino sa loob lamang ng isang gabi. Isa sa mga klasikong halimbawa ng ganitong pamamaraan ay nang tangkain ng mga kumpanyang gumamit ng mga modelong cookiecutter habang sinubukan nilang palaganapin ang kanilang mga pakpak sa mapa ng daigdig. Maraming kumpanya ang tahasang binaliwala ang mga alituntuning payak na may kinalaman sa pagiging dilihente sa maaring mga target market at customer base na isinasa-alang-alang ang mga lokal na merkado at pangangailangan. Kung matagumpay ang isang ideya sa USA, inakalang matagumpay din ito sa ibang bahagi ng mundo, at lumabas namang hindi ito tama. Nang 2001, mabilis na nawalan ng hangin ang bula. Karamihan sa mga dot-coms ay tumigil sa pakikipagkalakalan matapos masunog ang kanilang venture capital, marami ang hindi kumita o profit kahit sa netong halaga nila. Kadalasan itinuturing ng mga mamumuhunan itong hindi matagumpay na mga dot-com bilang “ dot-bombs”.
Matapos ang Pagputok
[edit]Noong ika 11 ng Enero, 2000, ang paborito ng mga mamumuhunang dot-com at ang nagsimula ng dial-up Internet access na Amerca Online ay nakuha ng Time Warner, ang pinakamalaking kumpanyang pang-media sa mundo. [12] Inilarawan ang transaksyong ito bilang, “ pinaka-masama sa kasaysayan”. [13] Sa loob ng dalawang taon, ang mga hindi pagkaka-unawaang naganap sa loob ng mga boardrooms ang siyang nagpa-alis sa mga CEOs na siyang gumawa ng kasunduan, at noong Oktubre ng taong 2003, tinanggal ng AOL Time Warner ang katagang “AOL” sa pangalan nito.
Maraming mga kumpanyang pangkomunikasyon ang hindi nakayanang tumagal sa pagpasan ng problemang pinansyal at napilitang mag deklara ng pagka-bangkarote o bankruptcy. Ang WorldCom, isa sa mga maayos na manlalaro ay nahuling gumagawa ng illegal na illegal accounting practices para palabasin na malaki ang taunang kita nito. Mabilis na bumagsak ang presyo ng mga stocks ng WorldCom matapos kumalat ang impormasyong ito sa publiko at nang mai-deklara na ang ikatlong pinakamalaking pagkabangkarote ng isang kumpanya sa kasaysayan ng Estados Unidos third largest corporate bankruptcy in U.S. history. Ang ilang mga halimbawa nito ay ang NorthPoint Communications, Global Crossing, JDS Uniphase, XO Communications, at Covad Communications. ]]. Ang mga kumpanyang gaya ng Nortel, Cisco, at Coming at Corning ay nadehado dahil sa pagsalig nila sa isang imprastraktura na hindi kalian man nalinang at siyang nagpabagsak sa stock ng Corning. Marami sa mga dot-coms ang nawalan ng kapital at na-liquido liquidated o nabili ng iba.; ang mga pangalang domain ay dinampot ng mga nakaraang mga magkakumpetensyang pang-ekonomiko o mga mamumuhunan sa larangan ng domain name. Ilang mga kumpanya sampu ng mga ehekutibo nito ay naakusahan o nahatulan ng fraud dahil sa hindi tamang paggamit sa pera ng mga shareholder, at pinagmulta ng US Securities and Exchange Commission ang mga nangungunang mamumuhunang kumpanya gaya ng Citigroup at Merril Lynch , ng mlyung dolyar dahil sa paglinlang sa mga namumuhunan. Maraming mga idustriyang nagbigay suporta, gaya ng mga kumpanya sa larangan ng papatalstas at shipping, ang nagbawas ng kanilang operasyon dahil sa pagbaba ng demand ng kanilang mga serbisyo. Ang ilang mga kumpanyang dot-com, gaya ng Amazon.com at eBay , ay nakaligtas sa kaguluhan at lumitaw na sigurado na sa pang-matagalan nitong pag-iral, habang ang iba naman gaya ng Google ay tuluyan nang nangibabaw bilang isa sa mga mega-firms. Ang pagbagsak ng Stock Market noong 2000 – 2002 ang dahilan sa pagkawala ng 5 trilyong dolyar na halagang pangmerkado o market valueng mga kumpanya mula marso ng 2000 hanggang Oktubre ng 2002. .[14] Ang pinsalang dulot ng mga terorista o terrorist destructions of the World Trade Center sa World Trade Center noong ika 11 ng Setyembre, 2001 (“911”), ang pagkawala ng halos 659 na mga empleyado ng Cantor Fitzgerald LP investment, ay nagpahinto sa kalakalang NYSE ng apat na sesyon habang ang bagong lugar pangkalakaan ay ginagawa pa.
May mga malalim na pagsusuring ipinakikitang 50% ng mga kumpanyang dot-com ang tumagal noong taong 2004. Dahil dito, ligtas na ipinapalagay na ang mga assets na galing sa Stock Market ay walang direktang kaugnayan sa pagsara ng mga kumpanya. Bagamat mas mahalagang masabi nang tapos na ang mga kumpanyang nasa ilalim ng kategoryang “ mga maliit na manlalaro” ay may sapat na kakayahan upang makaligtas sa mga naganap na pagbagsak ng merkadong pinansyal noong 2000 -2002. [15] Isang mabuting resultang dulot ng pagbagsak ay ang sariwang realisasyon ng mga lumang pang-ekonomikong mga kumpanya sa mga bagong pamamaraan . Marami sa mga kumpanyang ito ang nanatiling totoo sa kaibuturan ng kanilang pundamental na pina-hahalagahan sa negosyo ngunit ganunpaman ay napalawak pa ang kanilang abot at potensyal sa pamamgitan ng tamang pagtimbang at paggamit sa bagong e-channel, kahit na ito’y B2B (Business to Business) o B2C ( Business to customers) na pamamaraan sa negosyo, Ganunpaman, ang mga experto sa teknolohiya na nawalan ng trabaho , gaya ng mga programmer sa kompyuter, ay nasadlak sa isang merkadong barado na sa trabaho . Sa US, ang International outsourcing at ang bago pa lamang na pinahintulutang pagtaas sa bilang ng mga bihasang visa “guest workers” ( hal, ang mga kasali sa programang US H-1B visa ) ay nagpalala pa sa situwasyon. .[16] Bumagsak ang bilang ng mga nag-aaral sa unibersidad na may mga kursong may kinalaman sa kompyuter. May mga kwento ng mga programaner na nawalan ng trabaho at bumalik na lang sa paarlan para maging accountant o abogado.
Ang transisyon ng mga bula
[edit]This user page needs to be updated. Please help update this user page to reflect recent events or newly available information. Relevant discussion may be found on the talk page. |
May ilang naniwala na ang pagbagsak ng bulang dot-com ay humantong sa pagkakaroon ng isang housing bubble sa US. Sinabi ng ekonomistang si Robet Shiller ng Yale noong 2005, “ Miyentras bumagsak ang stocks, ang real state ang siyang naging pasingawan ng mapangahas na kahibangang pinakawalan ng stock market. Saan pa ba itutuon ng mga bagsak ang mga bago nilang galing sa pangangalakal? Ang maka-materialistikong pagpapasikat ng mga malaking bahay ang siyang nagsalba sa mga nasirang ego ng mga dismayadong mga mamumuhunan na ito sa stocks. Sa panahong ito, ang pinakamalapit na katulad ng real state bilang isang pambansang obsesyon , ay ang larong poker. ” [17] Sinulat ni Ralph Block noong 2005: “Maraming mga baby boomers ang tila nagpasiyang hindi sapat ang mai-bibigay ng stock market kapag nagretiro na sila, at sinamantala nila ang “mainit” na real state markets at ang mababang ( hal 5%) hulug dito para makig-sapalaran sa residential real estate. Ang bilang ng mga bahay na nabili para ipuhunan ay lumundag ng 50%, apat na taong bago magtapos ang 2004, ayon sa kumpanyang mananaliksik na LoanPerformance.” [18] Ganunpaman, ang bula sa pabahay o housing bubble ay naging isang ganap na krisis o subprime mortgage crisis na nagsimula sa huling bahagi ng 2007.
List of companies significant to the bubble
[edit]Listahan ng mga kumpanyang may kinalaman sa bula
[edit]“ Para sa isang talakayan ng listahan ng mga kompanyang dot-com sa labas ng sakop ng bulang dot-com, tingnan ang dot-com company”
Boo.com, Gumatos ang Boo.com ng $188 milyon sa loob lamang ng anim na buwan [19] sa pagtangkang makalikha ng isang tindahang pang-fashion. Nabangkarote ito noong Mayo ng taong 2000. [20] Startups.com Ang Statups.com ang “ ultimong startup na dot-com” Bumagsak sa negosyo noong 2002 eDigital Corporation (EDIG): Sa mahabang panahong hindi kumikita ang OTCBB na isang kinalakal na kumpanyang itinatag noong 1988 na ang dating pangalan ay Norris Communications. Pinalitan ang pangalan nito ng e.Digital noong Enero ng taong 1999 nang ang halaga ng stocks ay nasa $0.06 na nibel. Mabilis na tumaas ang stock na ito noong taong 1999 at tumakbo sa huling presyo nito mula sa $ 2.91 noong ika 31 ng Disyembre 1999 hanggang sa mataas na intra day sa halagang $24.50 noong ika 24 ng Enero taong 2000. Mabilis itong inulit ang pinagdaanan at nakipag-kalakalan sa pagitan ng $0.08 at $0.20 noong taong 2008 at 2009. [21] Freeinternet.com - Nagdeklara ng pagkabangkarote noong Okyubre ng taong 2000, matapos ikansela ang IPO nito. Noong mga panahong iyon, ang Freeinternet .com ang siyang ika limang pinakamalaking ISP sa Estados Unidos, na may 3.2 milyong mga gumagamit. [22] Nakilala dahil sa mascot nito na si BabyBob, nalugi ang kumpanya ng $19 milyon noong 1999 sa kita na maliit pa sa $1milyon. [23][24]
GeoCities, Binili ng Yahoo sa halagang $3.57 bilyon noong Enero ng taong 1999. Isinara ng Yahoo ang GeoCities noong ika 26 ng Oktubre 2009. [25]
theGlobe.com – Isang serbisyong pang social networking na nagsimula noong Abril ng taong 1995, na headline sa pagsasapubliko nito noong nobyembre ng 1998 , at nagpahayag ng pinakamalaking kita sa loob ng isang araw sa kasaysayan ng IPO noong mga panahong iyon. AngCEO noong 1999 ay lantarang naging simbolo ng mga karangyaan ng milyunaryong dot-com.
GovWorks.com – ang gumuhong dotcom na naitampok sa isang dokumentaryong pampelikula na pinamagtang Startup.com o ang documentary film “Startup.com”.
Hotmail – Ang tagapagtatag na Saeer Bhatia ay ibinenta ang kumpanyang ito sa Microsoft sa halagang $400 milyon; [26] na noong mga panahong iyon ay may 9 milyong miyembro ang Hotmail. [27]
InfoSpace – Noong Marso ng taong 2000, ang stock nito ay umabot sa halagang $ 1.305 kada bahagdan, [28] ngunit pagdating ng Abril taong 2001, bumagsak ang pesyo nito sa$22 kada bahagdan. [28]
Lastminute.com na ang pagkakaroon nito ng IPO sa UK ay sinabayan ang unang pagputok ng bula.
The Learning Company, Binili ng Mattel noong 1999 sa halagang $3.5 bilyon, ibinenta sa halagang $ 27.3 milyon noong taong 2000. [29]
ThinkTools AG, Ang isa sa sukdulang simptomas ng bula sa Europa: mayroong halaga sa merkado na CHF 2.5 bilyon noong Marso ng taong 2000, at walang mga prospekto na magkaroon pa ng makabuluhang produkto ( panloloko ang ginawa sa mamumuhunan), na sinundan pa ng pagbagsak nito. [30]
Xcelera.com Ito’y isang mamumuhunang Swedish sa larangan isang pang teknolohiyang start-up na uri ng kompanya. Cite error: A <ref>
tag is missing the closing </ref>
(see the help page).
Tingnan din
[edit]Mga Terminolohiya
[edit]- Bankruptcy
- Digital Revolution
- E-commerce
- Irrational exuberance
- The Long Tail
- The South Sea Company
- Stock market boom
- Stock market bubble
- Tulip mania
- Techno-utopianism
- Technology hype
- Web 2.0
- E-learning
- Dark Fiber
Ang Media
[edit]e-Dreams SatireWire Startup.com ebay.com
Ang Venture capital
[edit]Listahan ng mga venture capital firms
Ang pagbulusok pababa ng Ekonomiya
[edit]Ang krisis pampinansyal noong 2007-2008 o Financial crisis of 2007-2010 Ang krisis na pang subprime o Subprime mortgage crisis Ang bulang pambahay sa Estados Unidos o United States housing bubble
Tingnan din
[edit]Ang pagtaas sa presyo ng langis noong 2003 o Oil price increases since 2003 Ang krisis sa presyo ng pagkain noong 2007-2008 o 2007–2008 world food price crisis Ang boom sa commodities noong 2000 o 2000s commodities boom Ang Worldcom
Mga iba pang pwedeng basahin
[edit]- Cassidy, John. Dot.con: How America Lost its Mind and Its Money in the Internet Era (2002)
- Daisey, Mike. 21 Dog Years Free Press. ISBN 0-7432-2580-5.
- Goldfarb, Brent D., Kirsch, David and Miller, David A., "Was There Too Little Entry During the Dot Com Era?" (April 24, 2006). *Robert H. Smith School Research Paper No. RHS 06-029 Available at SSRN: http://ssrn.com/abstract=899100
- Kindleberger, Charles P., Manias, Panics, and Crashes: A History of Financial Crises (Wiley, 2005, 5th edition)
- Kuo,David “dot.bomb: My Days and Nights at an Internet Goliath” ISBN 0-316-60005-9 (2001)
- Lowenstein, Roger. Origins of the Crash: The Great Bubble and Its Undoing. (Penguin Books, 2004) ISBN 0-14-303467-7
- Wolff, Michael. Burn Rate: How I Survived the Gold Rush Years on the Internet
- Lowenstein, Roger. Origins of the Crash: The Great Bubble and Its Undoing. “(Penguin Books, 2004) ISBN 0-14-303467-7
- Wolff, Michael.” Burn Rate :How I Survived the Gold Rush Years on the Internet”
References
[edit]- ^ James K. Galbraith and Travis Hale (2004). Income Distribution and the Information Technology Bubble. University of Texas Inequality Project Working Paper
- ^ Nanotech Excitement Boosts Wrong Stock, The Market by Mike Maznick, Techdirt.com, Dec 4, 2003
- ^ Spector, Robert (2000). amazon.com: Get Big Fast. New York: HarperBusiness. ISBN 0066620414.
- ^ Kadlec, Daniel (1999-08-09). "Day Trading: It's a Brutal World". Time. Retrieved 2007-10-09.
- ^ Johns, Ray (1999-03 04). "Daytrader Trend". Online Newshour: Forum. PBS. Retrieved 2007-10-09.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(help) - ^ Cringely, Robert X. (1999-12-16). "There's a Sucker Born Every 60,000 Milliseconds". I, Cringely. PBS. Retrieved 2007-10-09.
- ^ How to Start a Startup
- ^ "FRB: Monetary Policy, Open Market Operations". Retrieved 2009-07-01.
- ^ Index Chart
- ^ ^DJI: Historical Prices for DOW JONES INDUSTRIAL AVERAGE IN – Yahoo! Finance
- ^ ^GSPC: Historical Prices for S&P 500 INDEX,RTH – Yahoo! Finance
- ^ "Top Mergers & Acquisitions (M&A) Deals". 2007-03-28. Retrieved 2007-05-05.
- ^ Time Warner, without Aol, tops forecasts on money.cnn.com
- ^ Fears of Dot-Com Crash, Version 2.0
- ^ Goldfarb, Brent D., Kirsch, David and Miller, David A., "Was There Too Little Entry During the Dot Com Era?" (April 24, 2006). Robert H. Smith School Research Paper No. RHS 06-029 Available at SSRN: http://ssrn.com/abstract=871210
- ^ [1] "Indian Companies Abusing U.S. H-1B, L-1 Laws: A Study Ruining American Economy & Society – Dampening Recovery. SAN FRANCISCO: Jan 23, 2004 (PNS) – According to a research by Professor Ron Hira of Rochester Institute of Technology, India companies are abusing the temporary work visas by making a heave [sic] use of H-1B and L-1. The Indian companies have come under scrutiny their abuse practices which have accelerated shift of tech work to India causing anxiety and resentment among American work force."
- ^ Jonathan R. Laing (2005-06-20). "The Bubble's New Home". Barron's Magazine.
- ^ Block, Ralph (January 1, 2006). Investing in REITs: Real Estate Investment Trusts. Bloomberg Press. p. 268. ISBN 1-57660-193-5.
- ^ "INTERNATIONAL BUSINESS; Fashionmall.com Swoops In for the Boo.com Fire Sale". The New York Times. June 2, 2000. Retrieved May 1, 2010.
- ^ Top 10 dot-com flops – CNET.com
- ^ Historical prices of EDIG stock
- ^ Another One Bites the Dust – FreeInternet.com Files for Bankruptcy – Addlebrain.com
- ^ InternetNews Realtime IT News – Freeinternet.com Scores User Surge
- ^ ISP-Planet – News – Freei Files for Bankruptcy
- ^ [2][dead link ]
- ^ BW Online | September 14, 2000 | Hotmail's Creator Is Starting Up Again, and Again, and
- ^ Microsoft buys Hotmail – CNET News.com
- ^ a b The Seattle Times http://seattletimes.nwsource.com/art/news/business/infospace/infospaceTimelineDay1_2_intro.swf.
{{cite news}}
: Missing or empty|title=
(help) - ^ Abigail Goldman (2002-12-06). "Mattel Settles Shareholders Lawsuit For $122 Million". Los Angeles Times.
- ^ Don't Think Twice: Think Tools is Overvalued, The Wall Street Journal Europe, October 30, 2000
External links
[edit]- Top 10 dot-com flops – CNet's list of ten most notable failed dot-com companies
- Startup Dot Com Movie – documentary of a failing company.
- Warren Buffett: 'I told you so' – BBC article, 13 March 2001.