Lumipas na rin ako sa pamantayan kung saan ang lahat ng tao ay anduon. Mali sigurong lumipas, siguro mas angkop ang Napanis. Di ko naman nais, maraming kumento o marangyang pagkakakilanlan. Andito lang ako para mag pakita ng aking mga nakita sa lansangan. Ayus lang na walang tumitingin. Ayos lang na walang dumaraan. Kahit sa thumbnail mo lang tingnan, basta't mata mo'y kahit pano'y may natutunan.
Kay swerte nating may mga pang bili ng magarang kamera, ang buhay hindi sa lahat ay ganyan ka bait. Kung may mapulot kang damdamin at kaalaman sa ilang larawan, masasabi kong nagampanan ko na at adhika'y nakamit.
Ayos lang na walang kinalaman ang deskripsyon sa aking kuha, sa ganang ang daming nag susulat at wala namang nag babasa. Kung tiyagain mang basahin ang laman ng talata, isipang di mulat at di rin matatanto ang nabasa.
to share – to copy, distribute and transmit the work
to remix – to adapt the work
Under the following conditions:
attribution – You must give appropriate credit, provide a link to the license, and indicate if changes were made. You may do so in any reasonable manner, but not in any way that suggests the licensor endorses you or your use.
https://creativecommons.org/licenses/by/2.0CC BY 2.0 Creative Commons Attribution 2.0 truetrue