Jump to content

File:Mahal na Birhen Biglang-awa, Patrona ng Diyosesis ng Boac.jpg

Page contents not supported in other languages.
This is a file from the Wikimedia Commons
From Wikipedia, the free encyclopedia

Mahal_na_Birhen_Biglang-awa,_Patrona_ng_Diyosesis_ng_Boac.jpg (288 × 384 pixels, file size: 36 KB, MIME type: image/jpeg)

Summary

Description
English: Ang mapaghimalang imahen ng Ina ng Biglang Awa ay matatagpuan sa Isla ng Marinduque. Tinataya itong dinala noon pang ika-labing anim na siglo ng mga paring Franciscano. Ayon sa mananaliksik na si Padre Felix de Huerta sa kanyang librong “Historico Religioso Estado Geografico” circa 1865, Ang Kristyanismo ay inihatid ni Prayle Estevan Ortiz noong 1579 at makalipaas ang isang taon, ang kaunaunahang Visita “Monserrat de Marinduque” (sa bayan ng Boac) ay itinatag.

Ang Mahal na Ina ay ginawang pintakasi noong Kalakalang Galleon, kung saan ang isla ng Marinduque ay naging isa sa tagapagtutustos ng mga kagamitan at manggagawa. Labis ang pamamanata ng mga sinaunang mandaragat kay Maria na naghahatid sa mga nakikipagsapalaran patungo sa ligtas na mga pampang.

Nagmula sa Mexico, ang imahen ng Mahal na Ina ng Biglang Awa ay humigit kumulang na apat na talampakan. Bagamat yari sa kahoy, labis ang pag-iingat ng kanyang mga deboto kaya’t napanatili ang likas na kagandahan at kaamuan ng kanyanag mukha. Ang imahen ay nakatungtong sa kalahating buwan o luna na napapalibitan ng ulap as tangan ng pitong kerubin. Sa likod ng ulap ay nakaukit ang pagbati ng anghel Gabriel, “Aba Ginoong Maria.”

Ayon sa kasaysayan, noong ika-labing pitong daang taon, laganap ang pagsalakay ng mga Moro. Pakay nila ay sakupin at pagnakawan ang mga islang kanilang nilulusob. Isang araw, natanaw ang kanilang mga vinta na paparating sa pampang ng Baranggay Laylay. Agad na pinatunog ang kampana hudyat sa pagdating ng kinatatakutang mga kaaway. Ang mga kalalakihan ay buong giting na humarap at ipinagtanggol ang bayan habang ang lahat ng kababaihan, mga matatandaat mga bata ay nagtungo sa simbahan sa taas ng burol. Ang simbahang napapalibutan ng makapal na pader na yari sa pinaghalong bato at adobe ay sadyang ginawa bilang paghahanda sa ganitong pangyayari. Lubos na nahirapan ang mga mabbagsik na tulisan sa depensa ng mga kalalakihan. Sa ikatlong araw ng paglalaban, ang pagkain at tubig sa loob ng pader ng simbahan ay paubos na. Lalong pinaigting ang pananalangin, at patakbong dumulog sila sa luklukan ng Mahal na Birhen upang ipag-adya sila sa naka-ambang pagkasupil. Dininig ang kanilang mga panalangin. Mula sa tindi ng sikat ng araw at init ng pakikipaglaban, nagdilim ang langit na parang takip-silim, bumuhos ang ulan at lumakas ang hangin! Nasidlan ng takot ang mga Moro. Mula sa hilagang bahagi ng pader, sa gitna ng matatalim na kidlat at malalakas na kulog, natanaw ang isang babaeng nagliliwanag ang kasuotan. Naka-taas ang kamay sa anyong pagtaboy sa mga dayuhan. Nangalat ang mga Moro at mabilis na nilisan ang isla.

Sa pangyayaring ito, kinilala ang imahen bilang Ina ng Biglang Awa, Patron at tagapangalaga ng Isla ng Marinduque. Ipinagpatayo siya ng dambana sa lugar kung saan nakita siya upang ipagtanggol ang kanyang mga anak. Ipinangalan din sa kanya ang kalsadang malapit dito.

Maraming naitalang mga himala na iniuugnay sa maka-Inang pagpapala ng Birhen ng Biglang Awa. Binigyan ng natatanging pagkila ng Santo Papa sa Roma, Papa Pio XII ang natatanging debosyon sa Mahal na Ina ng Biglang-Awa, kaya’t sa bisa ng kanyang pagtatakda, kinoronahan ang imahen noong ika-10 ng Mayo 1958 ni Lubhang Kagalang-galang Obispo Alfredo Ma. Obviar, D.D..

Sa harap ng matitinding mga pagsubok na dumarating sa atin sa kasalukuyan, inaanyayahan tayong muling kilalanin ang ating Ina, na laging maawain nagnanais na akayin tayo tungo kay Hesus na ating kapatid
Date
Source Own work
Author Kebintotgallimore

Licensing

I, the copyright holder of this work, hereby publish it under the following license:
w:en:Creative Commons
attribution share alike
This file is licensed under the Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported license.
You are free:
  • to share – to copy, distribute and transmit the work
  • to remix – to adapt the work
Under the following conditions:
  • attribution – You must give appropriate credit, provide a link to the license, and indicate if changes were made. You may do so in any reasonable manner, but not in any way that suggests the licensor endorses you or your use.
  • share alike – If you remix, transform, or build upon the material, you must distribute your contributions under the same or compatible license as the original.

Captions

Add a one-line explanation of what this file represents

Items portrayed in this file

depicts

29 May 2013

File history

Click on a date/time to view the file as it appeared at that time.

Date/TimeThumbnailDimensionsUserComment
current08:02, 29 May 2013Thumbnail for version as of 08:02, 29 May 2013288 × 384 (36 KB)KebintotgallimoreUser created page with UploadWizard

The following page uses this file: